DEPED, magpapatupad ng Open High School Program para sa mga drop-out students

Manila, Philippines – Good news sa mga drop-out students, ikakasa ng Department of Education ang Open High School Program.

 

Ayon kay DEPED Sec. Leonor Briones – layon nitong muling bigyan ng pagkakataon ang mga istudyanteng tumigil sa kanilang pag-aaral para makapagtapos.

 

Sa ilalim ng naturang programa, bibigyan ng self-instructional materials ang mga estudyante at paminsan-minsan na makakasama ang mga guro depende sa magiging leksyon.

 

Lahat ng subject ay matututunan sa labas maliban lamang sa Physical Education at laboratory sa gagawin sa loob ng paaralan.

Facebook Comments