DepEd, magsasagawa ng webinar para sa mga magulang at guro kaugnay sa child rights sa panahon ng COVID-19

Inihayag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na magsasagawa ito ng webinar kaugnay sa child rights at child protection na may temang “Isulong! Karapatan ng Bata sa Panahon ng COVID-19”.

Batay sa pahayag na inilabas ng DepEd, ang nasabing programa ay mayroong 14 episode webinar series na gagawin ngayong buwan hanggang sa unang linggo ng Oktubre.

Pag-uusapan sa nasabing webinar series ang children’s rights in education and to development, child rights, positive discipline in education, at child protection.


Ito ay mapapanood ng live mula alas-3:00 hanggang alas-5 ng hapon sa official Facebook page ng DepEd Philippines.

Ito ay sa pangunguna ng DepEd Office of the Undersecretary for Legal Affairs, kasama ang National Educators Academy of the Philippines (NEAP).

Katuwang din nito ang UNICEF-Philippines, Stairway Foundation, at Save the Children Philippines.

Facebook Comments