DILG Secretary Eduardo Año, balik-trabaho na matapos magnegatibo sa ikalawang test sa COVID-19

Balik-trabaho sa araw na ito si DILG Secretary Eduardo Año sa Department of Interior and Local Government.

Sa isang statement, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na pinayagan na ng kaniyang mga doktor ang Kalihim na pwede nang pumasok ng trabaho matapos na ganap nang makarekober sa Coronavirus.

Huling isinailalim sa COVID-19 test si Año noong September 2, 2020 at nag-negatibo ang resulta.


Muling nakaranas ng sintomas ng COVID-19 ang kalihim noong August 13 at nagpositibo matapos isailalim sa Polymerase Chain Reaction (PCR) test noong August 14, 2020.

Facebook Comments