DepEd, mahigpit ang pagpatutupad na mga bakunadong guro at non-teaching personnel lang ang pinapayagang magturo sa face-to-face classes

Muling iginiit ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na ang polisiya ng gobyerno na ang mga guro at non-teaching personnel na mga bakunado lamang na sangkot sa face-to-face classes at mga aktibidad sa paaralan ang pinahihintulutan upang maiwasang kumalat ang COVID-19 sa paaralan at maprotektahan ang mga estudyante, kliyente at empleyado.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, ang naturang patakaran lalong-lalo na ang kailangan ng mga teacher at non-teaching personnel na humahawak ng face-to-face classes at gumagawa ng mga aktibidad sa mga paaralan.

Paliwanag ng kalihim, ang naturang polisiya ay hindi upang i-discriminate ang mga empleyado ng DepEd na minarapat na ayaw magpabakuna kung saan ang mga guro at empleyado ng DepEd na hindi bakunado ay tinatrato ng parehas at sapat na sahod gaya ng mga bakunadong guro.


Giit ni Briones, ang DepEd na tumatalima sa national at international laws na rumerespeto sa karapatang pantao habang kinikialla ang trabaho ng estado na protektahan ang kapakapanan ng bawat Pilipino.

Facebook Comments