Bayan ng Sarangani sa Davao Occidental, niyanig ng magnitude 5.6 na lindol

98

Inihayag ngayon ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na naitala ang magnitude na 5.6 na lindol sa karagatang sakop ng Balut Island sa bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.

Ayon sa PHILVOLCS, alas-6:26 kaninang umaga ng lumindol kung saan ang sentro nito ay nasa 66 na kilometro ang lalim.

Paliwanag ng PHILVOLCS na bagama’t sa dagat nangyari ang pagyanig ay wala naman umano silang ipinalabas na banta ng tsunami dahil lubha umanong malalim ang sentro ng lindol at hindi ito magresulta sa pagkakaroon ng tsunami.


Pinaalalahanan naman ng PHILVOLCS ang publiko na maging mapagmatyag at palagiang mag-monitor sa mga advisory ng ahensiya upang makapaghanda sa anumang mga banta.

Facebook Comments