DepEd, mahigpit na nakikipag-ugnayan sa DPWH at DBM para sa mga napinsalang paaralan matapos ang pagtama ng malakas na lindol

Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang Department of Education (DepEd) sa mga ahensya ng gobyerno matapos mapinsala ang ilang paaralan dahil sa pagtama ng magnitude 7.4 na lindol sa Davao Oriental.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, nakikipagtulungan na sila sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa structural integrity assessments.

Sa huling tala ng Education Department, aabot sa 1,140 schools at 7,575 classrooms ang napinsala sa walong rehiyon, kung saan 764 na paaralan at 5,350 classrooms dito ay mula sa Davao Oriental.

Samantala, makikipag-ugnayan din ang kalihim sa Department of Budget and Management (DBM) para sa posibleng replenishment ng Quick Response Fund (QRF).

Matatandaang binisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasama si Secretary Angara ang Manay National High School sa Davao Oriental, isa sa mga lubos na naapektuhan ng lindol, kung saan aabot sa ₱73.3 milyon ang halaga ng kinakailangang ayusin sa mga classrooms at laboratories.

Facebook Comments