Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na makakatanggap ang mga guro at non-teaching personnel ng clothing allowance para sa School Year (SY) 2021-2022 ngayong buwan.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, patuloy na ipaprayoridad ng kagawaran ang pangangailangan ng teaching at non-teaching employees sa harap ng pandemya.
Batay sa Financial Report ni Education Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla, ang clothing allowance na nagkakahalaga ng ₱6,000 sa bawat eligible employee ay ibibigay ngayong Abril.
Ang SY 2021 at 2022 ay ikinokonsiderang “transition period” kaya bibigyan nila ng konsiderasyon ang mga school personnel na gagamit at magsusuot ng lumang uniform design.
Sa DepEd Memorandum No. 16, nakasaad ang official design at detalye ng bagong set ng uniporme para sa teaching at non-teaching personnel para sa SY 2021-2022.