Hihilingin ng Department of Education (DepEd) sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagdadala ng mga estudyante sa mga paaralan sa National Capital Region (NCR) kapag bumuti na ang sitwasyon sa COVID-19.
Ayon kay DepEd-NCR Regional Director Malcolm Garma, per batch ang kanilang gagawing pagdadala ng mga estudyante na layong bigyan sila ng social activities lalo’t magwawalong buwan na rin silang nakakulong sa bahay.
Sinabi rin ni Garman na handa na ang NCR sa pagbubukas ng klase sa Lunes, October 5, 2020.
Aniya, 16 na school division sa NCR ang nakapag-print na ng mga Self-Learning Materials (SLMs) kung saan tatlo rito ang naipamahagi na.
Aabot naman sa 70,000 na mga guro ang nabigyan na rin ng kasanayan kaugnay ng iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo habang halos 2 milyong mga magulang ang nabigyan ng kaalaman kung paano sila makakatulong sa mga guro at kanilang mga anak.