DepEd, may bagong naman suspected case ng COVID-19

Kinumpirma ng Department of Education o DepEd na mayroon naman bagong suspected case ang Corona Virus Disease o COVID-19 sa ilang magaaral at mga manggagawa ng nasabing ahensya.

Ayon kay DepEd Undersecretary Alain Pascua mula kahapon mayroon bagong madadadag sa listahan ng DepEd na na maaaring sumailalim ng 14-day quarantine.

Aniya sampu ay mga magaaral, isang DepEd employee, isang DepEd supervisor at walong guro na nagmula sa Carcar, Vigan at Dilopog City.


Ang ilan sa kanila, aniya, ay may nagmula sa South Korea at ang iba naman ay na-expose sa mga taong nag mula sa bansa na apektado ng COVID-19.

Hinihintay nalang, aniya, ang verification report sa mga bagong kasma sa listahan ng magsasailaim sa 14-day self-quarantine.

Sa ngayon, anya, pinayuhan na ang school division office ng Dipolog ang mga gurong pumunta ng South Korea na kung maaari ay huwag munang pumasok at mag-self-quarantine lang muna.

Tiniyak naman ni Pascua na patuloy ang imo-monitor ng kanilang kalagayan at nakipagugnayan na rin sila sa rural health centers ng kani-kanilang probinsya.

 

Facebook Comments