Umapela ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa mga magulang at guardian ng mga bata na papasok ngayong taon na ipakita sa mga batang mag-aaral ang kahalagahan ng pagiging matapat.
Ayon kay Diosdado San Antonio, DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction, aminado sila na posibleng mandaya ang isang bata sa kaniyang mga takdang-aralin kung sa bahay lang ito mag-aaral.
Hindi rin ito maiiwasan sa panahon na ipatutupad na ang distance learning para sa School Year 2020-2021.
Kaya naman, payo niya sa mga magulang na ito na ang magandang pagkakataon upang turuan ang mga bata ng right values ng kanilang mga magulang at huwag iasa sa paaralaan o guro ang pagtuturo ng values education.
Pero giit niya, nalalaman naman ng mga guro kung ang isang assignment ng isang bata ay ginawa mismo ng mag-aaral o hindi.