DepEd, may panawagan sa mga magulang ukol sa “New Normal” ng education system ng bansa

Umaapela ang pamunuan ng Department of Education o DepEd sa mga magulang ng mga estudyante na tulungan sila sa pagpapatupad ng “New Normal” ng education system sa bansa.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones ang pamamaraan ng pagtuturo sa pagbubukas ng school year 2020-2021 ‪sa August 24 isa nang Community Driven Activity.

Ibig sabihan anya nito ang mga magulang at lahat na miyembro ng pamilya ay katuwang na ng kagawaran upang maayaos na maipatupad ang educational curriculum ng DepEd.


Nakasalaylay na aniya ang learning development ng estudyante sa mga guro at mga magulang o pamilya ng isang batang magaaral sa bansa.

Kaya naman panawagan niya sa mga magulang o pamilya ng mga estudyante sa bansa na makiisa sa mga ipatutupad na programa ng DepEd kaugnay sa makabagong pamamaraan na pagtuturo habang umiiral ang banta ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Facebook Comments