DepEd, mayroong P1.2 billion para palitan ang mga learning materials na nasira ng bagyo

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na ang mga learning materials na nasira ng mga nagdaang bagyo ay papalitan.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, na mayroong probisyon para sa supplementary learning materials para sa mga susunod na quarter.

Paglilinaw rin ng kalihim na hindi nila pinapasa ang gastos sa mga estudyante at sa mga guro para sa mga learning materials.


Aniya, nakapag-download na sila ng ₱1.2 billion bilang pondo para pampalit sa mga nasirang learning materials na nasira ng Bagyong Rolly at Ulysses.

Umapela rin Briones na bawasan ang pag-imprenta ng self-learning modules (SLMs).

Sa ngayon, nagpapatupad na ang DepEd ng adjustments sa mga apektadong eskwelahan.

Facebook Comments