Sinubukan ng Department of Education (DepEd) na tugunan ang mga hamon sa edukasyon sa harap ng pandemya nitong School Year (SY) 2020-2021.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, “mixed results” ang kanilang initial findings sa pagpapatupad ng distance learning.
Napansin nila na ang face-to-face classes ay malaki ang kontribusyon sa pagkakatuto ng mga bata.
Bagamat hindi perpekto ang sistema, ang karanasang ito ay dadalhin ng kagawaran para paghusayin pa ang paghahatid ng edukasyon.
Una nang sinabi ng DepEd na mananatiling blended learning ang SY 2021-2022 na magsisimula sa September 13.
Facebook Comments