Muling binisita ngayong araw ng mga kawani ng Department of Education (DepEd) ang lungsod ng Santiago, lalawigan ng Isabela upang tingnan ang o inspeksyonin ang mga nasirang mga pampublikong paaralan.
Ayon kay DepEd Project Engr. Marvielyn Joy Barao, kulang na ang mga silid-paaralan ng Mabini Elementary School para sa 582 na estudyante nito.
Naikabit na rin aniya ang solar panels sa Santiago City National High School na napakalaking tulong para sa mga guro at mga mag-aaral.
Sa kanilang pagpupulong, kanilang din na pagusapan ang DepEd TV-Channels at kahalagahan ng Blended Learning kung saan mahigit 4800 na estudyante ang gumagamit ng modular at blended learning sa nasabing pag-aaral.
Dagdag pa niya pinag-utos na ni DepEd Secretary Leonor Briones na plano na ng DepEd ang magpatayo ng multi-storey buildings sa naturang paaralaan upang matugunan ang kanilang pangangailangan.