DepEd, muling nagpaalala sa mga guro tungkol sa pagbabawal sa kanilang mga estudyante ng pagkain ng street foods

Manila, Philippines – Muling pinaalalahan ni Education Secretary Leonor Briones ang lahat ng mga guro sa pampublikong paaralan sa bansa na pagbawalan ang kanilang mga estudyante na kumain ng mga street food sa labas ng kanilang paaralan.

Ang pahayag ay ginawa ni Briones matapos na mabiktima ng food poisoning ang 33 mga estudyante na nakaramdam ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagkahilo matapos na kumain ng isaw burger sa San Carlos, Pangasinan.

Ayon kay Briones, mahalaga ang paulit-ulit na paalala ng mga guro sa kanilang mga estudyante na pagbawalan ng kumain ng hindi tiyak kung malinis ang kanilang mga binibiling pagkain sa labas ng kanilang paaralan.


Giit ng kalihim mayroon namang mga canteen sa kani-kanilang mga paaralan kayat dapat umanong hikayatin ng mga guro ang kanilang mga estudyante na huwag ng lumabas sa kanilang paaralan at doon na bumili ng pagkain sa loob ng kanilang canteen upang matiyak na malinis ang kanilang binibiling pagkain.

Facebook Comments