Kasabay ng muling pagbubukas ng klase nitong Lunes, nag nagpaalala ang Department of Education o DepEd na hindi sapilitan ang pagsusuot ng uniporme ng mga magaaral sa mga pampublikong paaralan.
Base sa public advisory na inilabas ng DepEd, nakasaad dito na hindi dapat pilitin at mas lalong hindi dapat pagbawalang makapasok sa paaralan ang mga magaaral na walang pambili o kakayanang makapagpagawa ng uniporme.
Ayon sa DepEd, hindi dapat pagmulan ng discriminisayon ang kasuotan at physical appearance ng isang magaaral.
Gayunpaman, hindi rin anila pinahihintulutan ang pagsusuot ng mga hindi angkop na kasuotan sa mga paaralan tulad ng mini skirt, plunging neckline, hip hop pants at maging mga alahas.
DZXL558, Racquel Bayan
Facebook Comments