Hindi nagustuhan ng Department of Education (DepEd) ang napaulat na presensya ng ilang uniformed personnel sa isa mga eskwelahang nagbukas kahapon ng limited face-to-face classes.
Naganap ito sa Longos Elementary School sa Barangay Pangapisan sa Alaminos City, Pangasinan, kung saan inobserbahan ng mga armadong pulis ang health at safety protocols sa eskwelahan.
Ayon sa DepEd, batay sa field report, ang mga pulis na nagtungo sa eskwelahan ay bahagi ng security detail ng isang Local Government Unit official na bumisita roon.
Dahil dito, agad pinaalalahanan ng DepEd ang mga field official at school heads na istriktong ipatupad ang National Policy Framework on Learners and Schools as Zones of Peace.
Kailangan kasing maipatupad na ang mga eskwelahan ay dapat malayo sa presensya ng anumang militanteng grupo.