
Ilang mga paaralan ang ipinagpatuloy ng mga guro at volunteer ang pagbibigay ng basic learning sessions kasama ang psychological first aid sa mga batang pansamantalang naninirahan sa mga silid aralan.
Kabilang dito ang San Joaquin at Rosario Elementary School sa Pasig na nagsilbing evacuation center, at nagpatuloy ang pagbibigay ng basic learning sessions at psychological first aid sa mga batang evacuees.
Ito ay lalo na’t 24,649 na paaralan sa buong bansa ang nagsuspinde ng in-person classes dahil sa malawakang pagbaha at masamang panahon.
Sa naturang bilang, 442 ang kasalukuyang ginagamit bilang evacuation centers sa NCR, Regions I, II, III, IV-A, IV-B, VI, IX, CAR, at Negros Island Region.
Nagsimula na ring magpatupad ang Schools Division Offices (SDOs) ng Structured Alternative Learning Delivery Modes tulad ng modular at guided group learning para matiyak na tuloy pa rin ang pag-aaral ng mga batang lumikas
Sa ulat ng DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), 2,492 silid-aralan ang may minor damage, 726 ang may major damage, 732 ang totally damaged, at 327 ang nasirang WASH (Water, Sanitation, and Hygiene) facilities.
Naglabas na ang DepEd ng mahigit ₱17 milyon na pondo para sa paglilinis, clearing operations, at minor repairs sa napinsalang mga silid-aralan.









