DEPED, naghahanap na ng alternatibo sa periodic exam para maiwasan ang ‘distance cheating’ 

Magsasagawa ang Department of Education (DepEd) ng summative at performance tasks sa halip na magpatupad ng periodical examinations ngayong school year para maiwasan ang ‘distance cheating.’ 

Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, maaaring magsagawa ng occasional conversations ang mga guro sa kanilang mga estudyante. 

“It could be addressed by summative and performance tasks. The other thing that could be done is for the teachers to do occasional conversations with the learners so it does not have to be a test, it could just be a conversation focusing on the lessons covered,” ani San Antonio. 


Umapela rin si San Antonio sa mga magulang na ituro sa kanilang mga anak ang kahalagahan ng pagiging tapat at totoo. 

Una nang nilinaw ni Education Secretary Leonor Briones na ang mga paraang ito ay alternatibo lamang para masukat at malaman ang progreso ng mga mag-aaral. 

Facebook Comments