DepEd, naghahanap na ng pondo para sa buwanang internet allowance para sa mga guro

Naghahanap na ang Department of Education (DepEd) ng budget para sa pagbibigay ng monthly internet allowance para sa mga guro kasabay ng pagpapatupad ng distance learning.

Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, kasalukuyang nire-realign ng ahensya ang kanilang budget para sa mga bagong expenses sa implementation ng bagong paraan ng paghahatid ng pag-aaral ng mga estudyante.

Ang allowance ay maaaring gamitin ng mga guro para sa komunikasyon nito sa mga estudyante, magulang, at supervisors, at makasali sa training.


Ang DepEd ay inihahanda ang paghahatid ng edukasyon sa mga estudyante sa pamamagitan ng self-learning modules, broadcast media, at internet.

Facebook Comments