Senior citizens sa Valenzuela City, makakatanggap ng food pack

May food pack na ipagkakaloob ang Valenzuela City Government sa mga lolo at lola na nabigyan ng Senior Citizen ID bago o mismong Hunyo 22, 2020, Lunes.

Ang bawat senior citizen ay makakatanggap ng voucher at iaabot ito sa mismong bahay nila sa 33 na barangay sa Valenzuela City.

Sa nabanggit na voucher ay nakasaad kung saan at kelan maaaring kunin ang food pack.


Hinihikayat ng lokal na pamahalaan na ipakuha na lang ng mga lola at lola sa kamag-anak ang food pack para hindi na kailanganin pa na lumabas sila ng bahay.

Kailangan lang ay magpresenta ang kukuha ng sariling ID nito at ang orihinal na senior citizen ID.

Ang nabanggit na food pack ay maaari lang kunin sa itinakdang petsa at oras na nakasulat sa voucher kaya hindi ito dapat kalimutan.

Ipinaalala ng Valenzuela City Government na sa pagkuha ng food pack ay kailangang sunding mabuti ang protocols laban sa COVID-19 tulad ng pagsusuot ng face mask at pagsasagawa ng social distancing sa pagpila.

Facebook Comments