Friday, February 13, 2026

DepEd, nagkaloob ng 5-araw na wellness leave para sa lahat ng guro at kawani

Nagkaloob ang Department of Education (DepEd) ng limang araw na wellness leave kada taon para sa mga teaching at non-teaching personnel nito bilang pagsuporta sa kanilang mental health.

Ang wellness leave ay hiwalay sa umiiral na vacation at sick leave benefits at maaaring gamitin para sa mental health care, physical wellness activities, o simpleng pahinga upang makabawi ng lakas.

Ayon sa DepEd, maaaring gamitin ng personnel ang leave nang tuloy-tuloy hanggang tatlong araw sa isang pagkakataon, o hiwa-hiwalay sa loob ng taon, depende sa kanilang pangangailangan at alinsunod sa approval procedures.

Upang maprotektahan ang privacy ng mga empleyado, ang anumang mental health-related information na ilalahad sa application process ay ituturing na confidential, alinsunod sa Data Privacy Act of 2012.

Ang aplikasyon para sa wellness leave ay kailangang isumite nang hindi bababa sa limang araw bago ito gamitin, maliban sa emergency situations.

Hindi rin ito maaaring maipon o ma-convert sa cash kung hindi magagamit sa loob ng taon.

Facebook Comments