Naglaan ng P2.4 bilyon na budget ang Department of Education (DepEd) para sa 68,500 teaching and non-teaching personnel upang magkaroon ng gamit sa alternative working arrangements.
Ayon kay Deped Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla, layunin nitong matulungan ang mga DepEd personnel lalo na ngayong nagpapatuloy pa rin ang banta ng COVID-19 pandemic.
Sa kasalukuyan, sa deped nakalaan ang pinakamalaking bahagi ng national budget.
Samantala, posibleng magkaroon pa ng karagdagang financial assistance ang Kagawaran sa ilalim ng panukalang Bayanihan to Arise As One Act o Bayanihan 3.
Facebook Comments