DepEd, naglabas na ng memorandum para sa paghahanda sa pilot run ng face-to-face classes sa bansa

Naglabas na ng memorandum ang Department of Education (DepEd) para paghahanda sa pilot run ng face-to-face classes sa bansa.

Sa ilalim ng DepEd’s Memorandum No. 071, series of 2021, o ang Preparations for the Pilot Face-to-Face, Expansion and Transitioning to New Normal”, nakasaad na lahat ng pampublikong paaralan sa bansa ay kailangang magsagawa ng sariling assessment gamit ang School Safety Assessment Tool (SSAT).

Ito ay bilang paghahanda kung palalawigin ang paaralang sakop ng face-to-face classes.


Sa 59 paaralan naman na kabilang sa pilot run, sinabi ng DepEd na kailangang maghanda na ito ng pinal plano bago ang November 15, 2021.

Samantala, para naman sa mga international schools ay kailangan muna nitong magpasa ng proposal para sa pagpapatupad ng face-to-face classes na susuriin ng DepEd at Department of Health (DOH).

Sa ngayon, batay sa memorandum na inilabas ng DepEd ay daraan ang parallel institutional arrangement sa tatlong yugto; una ang pilot run ng face-to-face classes kung saan kasama ang 59 unang batch ng pilot schools; pangalawa ang nalalabing bahagi ng paaralan kung saan mapapabilang na ang 638 paaralan kasama ang NCR nominated schools; at panghuli ay kasama na ang lahat ng paaralan sa bansa .

Facebook Comments