Naglabas na ng abiso ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa nalalapit na pagbubukas ng klase para sa school year 2021-2022.
Pirmado ang pahayag ni Education Secretary Leonor Briones.
Ayon sa DepEd, maaari nang magsimula ng klase para sa nasabing school year ang mga pribadong paaralan at non-DepEd public school.
Pero gayunpaman, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang face-to-face class at tanging distance learning lamang ang papayagan.
Para naman sa mga pampublikong paaralan, isinusulong ng DepEd ang mga petsang August 23, September 6 o September 13 para sa pagbubukas ng klase.
Facebook Comments