DepEd, naglabas ng panuntunan tungkol sa Online National Festival of Talents

Nagpalabas ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) ng panuntunan tungkol sa Online National Festival of Talents upang maprotektahan ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa bansa ngayon nararanasan ang pandemya dulot ng COVID-19.

Base sa inilabas na DepEd Memorandum No. 84, s. 2021 o ang 2021 Online National Festival of Talents (NFOT) binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na ipakita ang kanilang angking talento at galing sa iba’t ibang disiplina na hindi masasakripisyo ang kanilang kaligtasan dulot ng pandemya.

Sa kanilang temang “Demonstrating Resiliency of Learners During the COVID-19 Pandemic Through Showcasing of Skills and Talents,” ang National Festival of Talents ay layong mabigyan ng oportunidad ang mga mag-aaral mula sa pampubliko at pribadong elementarya at sekondarya paaralan, kabilang ang Alternative Learning System (ALS) na ipakita ang kanilang kakayahan at talento sa iba’t ibang disiplina.


Nais din ng kagawaran na matiyak na mahigpit na nasusunod ang health and safety protocols na inilatag ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Facebook Comments