Build Build Build Program ni Pangulong Duterte, itutuloy ni BBM sakaling papalarin sa eleksyon

92

Tiniyak ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na ipagpapatuloy niya ang ‘Build Build Build’ program ni Pangulong Rodrigo Duterte sakaling manalo sa halalan 2022.

Ayon kay Marcos, palalawigin pa niya ang naturang programa at pagbubutihin.

Bukod dito, pinag-iisipan na rin aniya niya kung paano pa mapapalago ang ekonomiya ng bansa.


Sinabi rin niya na isang “magandang simbolo” ang tandem nila ni vice president bet at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Aniya, ang pagsasama ng isang Marcos at Duterte ay isang magandang simbolo ng pagkakaisa ng bansa.

Facebook Comments