DepEd, naglunsad ng “Error Watch Initiative” para i-report ang mga mali sa mga learning material

COURTESY: DEPED PHILIPPINES

Inilunsad ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) ang “Error Watch Initiative” kung saan dito pwedeng iparating o i-report ang mga nakitang mali sa mga learning material na ginagamit ngayon ng mga mag-aaral ng bansa para sa distance learning.

Ayon kay DepEd Undersecretary for Administration Alain Pascua, sa halip na i-post sa social media ang mga mali sa learning materials ng kagawaran, mas mabuti aniya na deretsong ipagbigay alam ito sa DepEd upang agad na matugunan.

Maaaring ipadala ng publiko kung sa tingin nila ay may mali sa isang learning material sa pamamagitan ng E-mail na may email address na errorwatch@deped.gov.ph.


Pwede rin aniya sa pamamagitan ng text at Viber sa 0961-6805334 at Facebook Messenger at Workchat.

Gamitin lang ang #depederrorwatch sa pagrereport.

Ang mga learning material ng DepEd ay ginagamit sa modular learning delivery, kung saan maaari itong printed o digital, kasama rin dito ang mga learning material na inilalabas sa pamamagitan ng TV, radyo, at Youtube channel ng ahensya.

Facebook Comments