DepEd, nagpa-alala na hindi maaaring gawing evacuation centers ang mga paaralang nagsisilbing quarantine facilities

Nagpaalala ngayon ang Department of Education (DepEd) na huwag gawing evacuation centers ang mga paaralan na ginawang quarantine facilities.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, may mga regulasyon silang sinusunod kung saan hindi dapat maghalo sa iisang paaralan ang evacuation center at quarantine facilities.

Hinikayat din ni Briones ang mga komunidad na magtayo ng multi-purpose building upang magamit na evacuation centers o quarantine facilities.


Base sa kasalukuyang datos, sinabi ni Briones na 4,637 silid-aralan sa ilalim ng 44 DepEd divisions ang nagsisilbing evacuation centers kung saan nananatili ang nasa 21,000 pamilya na apektado ng kalamidad.

Dagdag pa ng kalihim, ang Department of Health (DOH) na ang bahalang mag-determina kung anong magiging epekto kapag ginamit na mga evacuation centers ang mga paaralan sa gitna ng sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments