Nagpaabot na rin ng pakikidalamhati at pakikiramay ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa pagpanaw ni dating President Fidel V. Ramos kung saan nakikiramay sa mga naulila ng dating pangulo ng bansa.
Si Ramos ay maalala ng sambayanang Pilipino bilang tagapagtaguyod ng edukasyon kung saan sa kanyang nagdaang termino ay nilagdaan niya ang iba’t ibang education bills para maging batas gaya ng Science and Technology Scholarship Law (RA 7687), Dual Training System Act of 1995 (RA7686), CHED Law (RA 7722), TESDA Act (RA 7796) at marami pang iba.
Nakikiisa ang DepEd sa pag-alala ng sambayanang Pilipino sa iniwang legasiya ni dating President Fidel Ramos.
Ang Philippine flag sa lahat ng mga opisina ng DepEd at mga paaralan ay naka-half-mast hanggang mailibing ang dating pangulo ng bansa.