Boston Celtics legendary center na si Bill Russell, pumanaw na sa edad na 88

86

Nagluluksa ngayon ang basketball community sa pagkamatay ni Boston Celtics Legendary Center na si Bill Russell sa edad na 88.

Ito ang kinumpirma ng pamilya ni Russell sa isang pahayag kung saan ang naturang hall of famer ay namatay nang payapa sa piling ng kaniyang asawa na si Jeannie.

Si Russell ay nakapagpanalo ng NBA record na 11 championship sa kasagsagan ng kaniyang karera kabilang ang walong straight titles mula 1959 hanggang 1966 kung saan nakuha niya ito sa loob lamang 13 seasons.


Nagsilbi rin siyang head coach ng celtic para sa dalawang huling titulo noong 1968 at 1969.

Ayon naman kay sa kapwa NBA legend na si Michael Jordan, ang five-time MVP player din ay nagbigay-daan sa bawat black NBA player na naghangad na maglaro sa hard court.

Facebook Comments