Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga private lending institutions na accredited sa ilalim ng Department’s Automatic Payroll Deduction System Program, na sumunod na huwag pwersahing magbayad ng anumang penalties, bayad o surcharges sa mga DepEd personnel dahil sa public health situation na nararanasan ng bansa.
Ayon kay DepEd Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla ang pagkaantala ng pagbabayad ng mga nakuhang loans ng mga Kawani ng Kagawaran ay hindi maisakatuparan dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng Home Quarantine at kasunduan sa lahat ng mga Executive Branch na sa bahay nalamang magtatrabaho para maiwasan na magkakahawaan ng may taglay na COVID-19.
Paliwanag ni Sevilla sa ilalim ng Terms and Conditions ng APDS Accreditation hindi maaaring pwersahing magbayad ang isang empleyado o magkaroon ng penalties dahil sa hindi inaasahang pangyayari gaya ng pagkalat ng nakahahawang virus.
Hinikayat din ng opisyal ang lahat ng Automatic Payroll Deduction System na huwag patawan ng multa ang hindi makapagbayad o huli ng makapagbayad dahil sa COVID-19 Pandemic.