DepEd, nagpaliwag na sa P8.1 bilyong Basic Education Learning Continuity Plan

Nagpaliwanag ang Department of Education (DepEd) sa nakitang findings ng Commission on Audit (COA) sa P8.1 bilyong pondo para sa Basic Education Learning Continuity plan.

Ayon kay Education Undersecretary Annalyn Sevilla, karamihan sa mga pinuna ng COA ay ang kakulangan sa dokumento at ang delay sa pagsumite ng suporting documents.

Pawang na-comly naman ang mga ito at tiniyak na mayroon silang mekanismo para sa pagbabalik ng mga ginastos ng mga guro.


Taliwas ito sa ilang sentimiyento ng mga guro sa bansa kung saan hindi pa nila nakukuha ang reimbursement sa inabono nila para sa pag-imprenta ng learning modules.

Bago matapos ang school year 2020-2021, nabatid na marami pa ring guro ang walang natatanggap na pera mula sa DepEd.

Facebook Comments