DepEd, nagpapasalamat kay Pangulong Duterte sa paglalabas ng P20 million bilang suporta sa literacy at numeracy teaching

Lubos na nagpapasalamat ang Department of Education (DepEd) kay Pangulong Rodrigo Duterte sa mabilis na pag-apruba sa paglalabas ng ₱20 million fund para mapalakas ang mga inisyatibong hasain ang mga estudyante sa fundamental literacy at numeracy.

Ayon sa DepEd, ikinalulugod nila ang patuloy na suporta ng mga mambabatas at ng Pangulo para sa Early Language, Literacy and Numeracy (ELLN) program.

Ang ₱20 million ay gagamitin sa region-wide training para sa Blended Delivery Model para sa Teacher Professional Development.


Ang ELLN ay magpapaigting ng kakayahan ng mga supervisors, school heads at ng mga guro sa pagtuturo ng reading at numeracy sa mga mag-aaral.

Ang pondong ito ay bahagi ng pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa bawat Pilipinong mag-aaral.

Facebook Comments