Nagsasagawa na ng policy consultation sa mga stakeholders ang Department of Education (DepEd) upang madetermina ang angkop sa pagbubukas ng klase para sa School Year 2021-2022.
Iginiit ng Department of Education na nasa kamay pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang huling desisyon alinsunod sa itinatadhana ng Republic Act 11480.
Paliwanag ng DepEd, marami umano silang mga panukalang opsyon ng Pangulo at ang isa rito ay August 23 magsisimula ang pasukan, pero sa batas, magbubukas ang klase ng hindi lalampas sa huling araw ng Agosto maliban na lamang kung panghihimasukan ito na Pangulo.
Inaasahan namang agad na maglalabas ng panuntunan hinggil sa School Year 2021-2022 ang kagawaran sakaling matapos agad ang kanilang policy consultation and review sa mga concerned stakeholders.