Binisita ng Department of Education (DepEd) Central Office ang Sitog National High School Dabak Extension ng dibisyon ng Zamboanga del Norte upang kumustahin ang lagay ng paaralan at ng mga guro at iba pang bumubuo rito.
Ayon kay Division Engineer Dave Patigayon, sinimulan ang groundbreaking ceremony noong Setyembre 2021 at noong Miyerkules Marso 25, 2022 ay na-turnover ang natapos ang paaralan na may 2 units, 1-storey 2 classrooms, suportado ng solar panel power system at sapat na pinagkukunan ng tubig.
Ibinahagi naman ni Teacher-in-Charge at Principal Rowena Cabanlit na labis na ikinatuwa nila na dating makeshift ang gamit nila at ngayon ay ipinagkaloob sa kanila ang pagkakataon na makapag-aral sa pormal na paaralan.
Nagpapasalamat namna si Cabanlit sa kagawaran, katuwang ang lokal na pamahalaan, sa naitulong ng Last Mile Schools Program sa pagtupad ng mga pangarap hindi lamang ng mga guro at mag-aaral kundi pati ng mga pamilya at komunidad.