DepEd, nakapagtala na ng higit 60% ng mga enrollee sa buong bansa para sa SY 2021-2022

Pumalo na sa higit 17.96 milyong mag-aaral sa buong bansa ang nakapagpa-enroll na para sa School Year 2021-2022 mula sa private at public schools.

Ito ay katumbas ng 68.5% kumpara sa nakaraang taon na bilang ng enrollees na umabot ng higit 26.2 milyong mag-aaral.

Batay sa tala ng Department of Education (DepEd) ngayong araw sa public schools, mayroon nang mahigit 12.56 mliyong mag-aaral ang nakapagpa-enroll na.


Mahigit 820,000 naman sa private schools at mahigit 18,000 sa mga state colleges and universities (SUCs) ang enrolled na para sa susunod na pasukan.

Maliban dito, mayroon ding higit 140,000 indibidwal ang nagpa-enroll sa Alternative Learning System (ALS) sa bansa.

Kung saan katumbas ito ng 23.44% mula sa mahigit 590,000 indibidwal na nagpa-enroll sa ALS noong nakaraang pasukan.

Facebook Comments