oNakikipag-ugnayan na ang Department of Education (DepEd) sa Department of Health (DOH) para sa pagpapahaba ng oras ng expansion phase ng face-to-face classes.
Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, marami pa kasi silang kailanganing ikonsidera bago magdagdag ng oras sa in-person classes lalo na’t iniiwasan nila na magkaroon ng mahabang exposure ang mga mag-aaral sa school setting.
Sa ngayon kasi, tatlong oras lang ang inilalaan sa kindergarten habang apat na oras sa higher grade levels.
Sabi pa ni Malaluan, naglabas na ng panuntunan si Education Secretary Leonor Briones sa posibleng pagpapahaba ng oras ng in-person classes basta hindi sa paaralan manananghalian ang mga mag-aaral.
“Hahaba iyong ating protocols na io-observe kung hahayaan natin na mananghalian iyong mga bata sa paaralan because that will extend to our canteens to the protocols during meals and it will also increase the risk assessment for the conduct. So, that will have to be closely coordinated with the Department of Health and then it’s a public health aspect of the expansion phase and our standing arrangement with the DOH is we are guided by the DOH with respect to health standards.” ani Malaluan