Jessy Mendiola, may huling pasabog bago mabuntis

Ilang araw bago ang Valentine’s Day, pinainit muna ng aktres na si Jessy Mendiola ang social media.

Ibinandera lang naman ni Jessy sa Instagram ang kaniyang sexy curves mula sa kanyang latest pasabog pictorial.

Say ni Jessy, ito na ang kaniyang huling pasabog pictorial bago siya mag 30 years old at mabuntis.


Ibinahagi rin ni Jessy ang behind-the-scenes video nito sa naganap niyang sexy pictorial sa kanyang Instagram at YouTube vlog.

Nauna nang naibahagi noon ng aktres at ng kaniyang mister na si Luis Manzano ang kanilang pagnanais na magkaroon na ng baby.

Facebook Comments