Limang araw bago ang pasukan ay nanindigan ang Department of Education (DepEd) na mananatiling sa Agosto 22 pa rin ang huling araw ng enrollment para School Year 2022-2023.
Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, hindi pa napag-uusapan ng kagawaran ang pagpapalawig ng enrollment kaya naman hinihikayat nila ang mga magulang na i-enroll na kanilang mga anak at huwag nang hintayin ang huling araw ng deadline.
Sa kasalukuyan ay umabot na sa 21,272,820 ang kabuuang bilang ng mga enrolled learners para sa darating na pasukan.
Bahagyang malayo pa ito sa inaasahang bilang ng DepEd ngayong school year na 28.6 million enrollees.
Matatandaang nagsimula ang enrollment sa mga paaralan noong Hulyo 25 kung saan maaaring pumili ang magulang at mag-aaral kung in-person, remote, o sa pamamagitan dropbox forms sila magpapatala.