COMELEC, tiniyak na tatalima sa desisyon ng Kongreso na ipagpaliban ang Barangay at SK Elections sa Disyembre

144

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na tatalima ito sa pag-postpone ng Kongreso sa nakatakdang Barangay at SK elections sa December 5.

Gayunman, umapela si COMELEC Chairman George Garcia sa mga mambabatas na magpalabas ng pinal na petsa ng pagdaraos ng Barangay at SK elections para sa susunod na taon.

Ayon kay Garcia, kumporme sila kung idadaos ito sa susunod na taon maging May 2023 o December 2023.


Pero huwag naman sana aniyang paabutin ito sa taong 2024 dahil abala na sila sa mga ganitong araw para sa paghahanda sa 2025 elections.

Bukod dito, kailangan din aniya nilang paglaanan ng oras ang pagbili ng election materials at pag-imprenta ng mga balota para hindi sila magahol sa oras.

Facebook Comments