DepEd, nasa 40-50% nang handa sa blended learning sa Agosto

Nasa 40 hanggang 50 porsyento nang handa ang Department of Education (DepEd) para sa blended learning sa pasukan sa August 24, 2020.

Ayon kay DepEd Spokesperson Undersecretary Annalyn Sevilla, nakadisenyo sa face to face learning ang kanilang pondo pero ina-adjust na ito para sa iba’t ibang module.

Aniya, may anim na paraan para sa learning continuity plan ng DepEd kasama na ang hirit na supplemental budget sa Department of Budget and Management (DBM).


Maliban dito, pinaplansta na rin ng kagawaran ang computerization program sa tulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at mga telecommunication company para sa education internet package sa mga mag-aaral at guro.

Tiniyak din ni Sevilla na nakaisip na sila ng mga istratehiya para tulungan ang Local Government Units (LGUs) na pondohan ang mga paaralan na lilipat sa alternatibong paraan ng pag-aaral.

Facebook Comments