DepEd, nilinaw na dadaan muna sa konsultasyon ang hirit na taas matrikula ng mga pribadong paaralan

Binigyang diin ng Department of Education (DepEd), na dadaan sa konsultasyon partikular na sa parents-teacher association at teachers’ association ang hirit ng ilang pribadong paaralan na tuition fee hike sa susunod na school year.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Education Usec. Anne Sevilla, na ang taas matrikula ay napupunta rin naman sa pagpapasuweldo ng mga teachers at facilities kung saan 10% lang ang dapat na mapupunta sa eskuwelahan.

Ayon kay Usec. Sevilla, pinalawig nila ang deadline ng consultation hanggang June 30 habang ang submission ng application ng mga requirements para sa taas matrikula ay hanggang August 15, 2022.


Paliwanag pa nito, maraming pribadong paaralan ang nagsara nitong pandemya dahil nagsilipatan ang kanilang mga estudyante o enrollees sa pampublikong paaralan.

Para naman matulungan ang mga private schools mayruong programa ang kagawaran na government assistance subsidies kung saan nagbibigay ng voucher program o tulong pinansyal sa mga estudyante na galing public school na lilipat sa private school.

Facebook Comments