Pagbabakuna sa malalayong lugar sa bansa, dapat lalong paigtingin

Iginiit ni Committee on Health Chairman Christopher “Bong” Go sa gobyerno na higit pang paigtingin ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga malalayong lugar sa bansa.

Sinabi ito ni Go, sa harap ng pagbaba sa Alert Level 1 ng Metro Manila at malaking bahagi ng Pilipinas dahil sa patuloy na umuunti ang naitatalang aktibong kaso ng COVID-19.

Mungkahi ng senador, mag-bahay-bahay para mas marami ang mabakunahan lalo na sa mga probinsya at liblib na mga bayan.


Suhestyon din ni Go, na magsagawa ng pagbabakuna sa mga pharmacies at medical clinics.

Hiniling din ni Go sa pamahalaan na palakasin ang pagpapalaganap ng mga impormasyon tungkol sa importansya ng booster shot para sa pangmatagalan at dagdag na proteksyon laban sa virus.

Facebook Comments