*Cauayan City, Isabela- *Tumanggap ng halagang 5 milyong piso ang DepEd Nueva Vizcaya mula sa pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Carlos Padilla.
Personal na tinanggap ni Dr. Rachel Llana, CESO IV ang tseke na nagkakahalaga ng P5 milyon mula kay Gov. Padilla na kanilang gagamitin para sa iba’t-ibang programa ng DEPED Nueva Vizcaya Division Office.
Mula sa P5-milyon na ibinigay na tulong ng provincial government, ang P4,822,500.00 ay ilalaan para sa Textbook and Basic Education Learning Continuity Plan; P185,000.00 para sa Intstructional Materials for the Basic Education Learning Continuity Plan, at P20,000.00 para sa gagamiting radyo at Television ng mga mag-aaral ng Solano East Central School.
Malaki naman ang naging pasasalamat ng DepEd-Nueva Vizcaya dahil sa malaking tulong na ibinigay ng pamahalaang panlalawigan.