DepEd, pag-aaralan pa ang rekomendasyon ng OCTA Research na alisin ang face mask sa mga estudyante

Ipinahayag ng Department of Education (DepEd) na hindi nila basta-basta kakagatin ang rekomendasyon ng OCTA Research na huwag nang pagsuutin ng face mask ang mga estudyante dahil ang kalusugan ng mga estudyante ang nakasalalay.

Ayon kay Atty. Michael Poa tagapagsalita ng DepEd, hihingi muna ng patnubay ang Department of Education sa Department of Health (DOH) upang pag-aralan ang mungkahi ng OCTA Research group.

Una nang inirekomenda ng OCTA Research na huwag nang magsuot ng face mask ang mga bata dahil maaari umanong makaapekto sa respiratory system ng isang bata ang matagal na oras na nakasuot ng face mask.


Una na ring naglabas ng Executive Order ang Malakanyang na optional na lamang ang pagsusuot ng face mask subalit ito ay para sa outdoor at open space na lamang.

Giit ng DepEd, ang rekomendasyon ng DOH ang kanilang susundin bago ipatupad ang anumang mungkahi para sa optional na pagsusuot ng face mask.

Facebook Comments