High value individuals, arestado ng PNP

Naka-aresto ang Philippine National Police (PNP) ng ilang high value individuals sa magkakahiwalay na operasyon.

Kinilala ni PNP Public Information Office Chief PBGen. Roderick Augustus Alba ang mga ito na sina Helland Bautista Manalang, 43 years old na nasakote sa Angeles City, Pampanga kamakalawa.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang 55 gramo ng shabu na may street value na P374,000.


Samantala, sa Pampanga pa rin nahuli ang drug suspects na sina Channy Zulueta, Ed Paulo Magbanua at Christina Marie Tan kung saan 130 grams ng illegal drugs na nagkakahalaga ng P884,000.00 ang nakumpiska sa mga ito.

Sa Tinglayan, Kalinga naman, winasak ng mga awtoridad ang P52 million halaga ng marijuana plants.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., magtutuloy-tuloy ang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Facebook Comments