Tiniyak ng Department of Education na hindi nila palalampasin ang mga naiulat na kaso ng “sagot for sale”.
Kaugnay ito sa sinasabing pagbabayad ng estudyante para gawin ang kanilang modules ngayong ipinatutupad ang distance learning set-up.
Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, hindi nila pinapayagan ang “distance cheating” ng mga estudyante at kahit na ang mga guro.
Pananagutin din aniya nila sakaling mapatunayan na may mga guro na nagbenta o gumawa ng mga sagot para sa mga estudyante.
Sa ngayon, aabot sa higit 26 milyong estudyante ang gumagamit ng home-based learning matapos na ipagbawal ang face-to-face classes dahil sa COVID-19.
Facebook Comments