Lingayen Pangasinan – Aminado ang School Division Office 1 ng Department of Education Pangasinan (SDO1 Pangasinan) na may kakulangan sa mga guro sa lalawigan. Sa paglilinaw ni Dr. Carmina Gutierrez, Information Officer ng DepEd SDO 1 Pangasinan na hindin naman significant ang kakulangan ng guro sa elementary ngunit maraming kinakailangan guro para sa senior high school na tinutugunan sa on-going ang deployment ng nasabing departamento nila.
Sa ngayon pinamamadali ng DepEd Pangasinan ang pagsusumite ng may 700 na paaralan na sakop nila ng teacher and class program ng mga ito upang makita kung aling mga paaralan mula sa 22 municipalities ang may shortage talaga ng guro lalo na sa senior high school at ng matugunan ito.
Pinunto ni Dr. Gutierrez ang malaking hamon sa mga guro ng senior high ang pagtuturo sa iba’t ibang strands dahil sa kanilang kakulangan sa bilang kaya naman napipilitan silang mag-mobile teacher.
Sa ngayon ayon sa School Division Office 1 Pangasinan aabot na sa humigit kumulang na 1,500 na mga bagong guro ang kanilang na-hire at ready for deployment. Kumpyansa naman silang matugunan hanggang sa susunod na linggo ang nasabing kakulangan sa mga guro sa buong lalawigan.