Lingayen Pangasinan – Sa kabila ng kaliwa’t kanang kakulangan sa kagamitan at guro ng iba’t ibang paaralan sa lalawigan, tuloy ang pagbubukas ng klase sa darating na lunes. Ayon sa pamunuan ng School Division Office 1 Pangasinan aminado silang nagkakaroon ngayon pa lamang ng kakulangan sa mga classrooms sa ilang schools na may public private building sa lalawigan dahil sasailalim ang mga ito sa pagsasaayos.
Paglilinaw naman ng SDO 1 Pangasinan na sa ngayong bilang ng mga enrollees na aabot sa higit 300,000 na estudyante sa 22 municipalities na saklaw nila masasabing sapat pa ang mga classrooms. Ngunit inaasahan pa nila ang paglobo ng bilang ng mga estudyante dahil narin sa mga late enrollees at transferees na maaaring dumagdag sa nasabing bilang.
Kaya ngayon pa lamang isa sa mga planong gawin ng DepEd Pangasinan ang pagkakaroon ng double shifting ng klase sa mga eskwelahang apektado. Magsisimula ang klase ng unang shift 6:30 ng umaga hanggang 12:30 ng tanghalian at ang second shift naman ay mula 12:00 hanggang 6:30 ng gabi. Bukod dito ay nag-iisip pa ng mga alternatibong paraan umano ang mga paaralan upang matugunan ang nasabing pangangailangan.
Samantala sa usaping kakulangan ng mga kagamitan ng mga paaralan tulad ng upuan malugod na ibinahagi ni Dr. Gutierrez na sa kanilang nasasakupan ay may bilang na nasa ratio ng 1 is to 45 hanggang 1 is to 56 para sa mga malalaking paaralan na ayon sa kanila ay sapat naman.